Paggamit ng Po at Opo

Kilala ang Pilipino sa ating pagiging magalang at pagka maasikaso. Mula pa sa ating mga ninuno at magulang ang katangiang ito na siyang itinuro at namana natin. Tunay ngang kaaya-aya ang ugaling ito dahil pinapakita nito na tayo ay tunay na Pilipino.

Ang mga Pilipino ay gumagamit ng wikang “Po” at “Opo” na sumisimbolo ng ating pag galang sa mga nakakatanda sa atin. Ang salitang “Kuya” at “Ate” rin ay pagpapakita ng paggalang sa mga nakakatandang kapatid, at ang pagamit ng “Manong” at “Manang” ay pagpapakita ng paggalang sa matandang di kaano-ano.

Wari bang sa pamamagitan ng paggamit ng salitang po at opo nakikita kung paano tayo pinalaki at tinuruan ng magandang asal ng ating mga magulang at ang bawat magulang ay nahuhusgahan sa pamamgitan ng kanilang anak. Tunay ngang repleksyon ng magulang ang kanilang anak dahil sinu ba naman ang magtuturo sa mga bata kundi ang kanilang magulang at ang pagpapakita ng hindi kagandahang asal ng bata ay pagpapakita rin na hindi napalaki ng ayos ito ng kaniyang mga magulang.

Sa panahon ngayon, marami ng bata ang tumalikod sa paguugaling pilipino na magalang, bihira ng mamutawi sa labi ng mga kabataan ang salitang po at opo at kadalasan ng maririnig ang pagsagot sa magulang at nakakatanda. Kung noong panahon ng ating mga magulang na ang kanilang magulang ang nasusunod, bakit sa panahon ngayon anak na ang nasusunod?

Tunay ngang mapagmahal ang ating mga magulang ngunit huwag naman po sana nating gawing dahilan ito para pahirapan ang ating mga magulang. Anuba’t sa simpleng pagbiibigay galang at respeto ay maipakita natin ang ating pagmamahal sa kanila at pasasalamat sa kanilang pag-aaruga..

Halina’t ibalik natin ang nakasanayan at ipakitang muli sa mundo ang tunay na ugaling Pilipino. Magkapit bisig tayo at maging simula para maisakatuparan natin ang mithiin nating mapabuti ang ating anak, at maging huwarang ehemplo tayo sa kanila.

Leave a comment