Flag Ceremony araw-araw isulong!

                 Ang pagbibigay galang sa ating kinagisnang bansa ay dapat hindi ikinukubli, maliit na bagay kung maituturing ang simpleng pagdalo sa flag ceremony araw-araw ngunit bakit tila iilan nalang ang kabataang dumadalo dito, at kung minsan ang paaralan pa ang minsanan lang kung magpanimula ng flag ceremony.

               Hindi lingid sa ating kaalaman na habang tumatagal ay naibabaon natin sa limot ang ating pagkamakabayan dahil na rin siguro sa ating kaisipan na permanente na ang ating kalayaan at hindi na itong muli maaagaw sa atin ng mga dayuhan. Ngunit sa ginagawa nating paglimot ay pinapakita natin sa mga dayuhan na hindi ganap ang ating pagkamakabayan at anumang oras ay kaya nilang bawiin ang ating pagkakakilanlan. Sa simpleng pagbibigay galang sa ating watawat at mga simbolo ng pagka Pilipino ay waring itinataboy rin natin ang mga dayuhan na sakupin ang ating bansa dahil makikita nila kung gaano natin kamahal ang ating Inang bayan ngunit kung patuloy nating isasawalang bahala ang simpleng pagbibigay pugay sa ating watawat ay waring itinakwil natin ang sariling bansa.

                 Hindi mahirap maglaan ng tatlumpung minuto sa umaga upang sariwain natin ang ating pagkakakilanlan at pagbibigay respeto sa ating mga ninuno nag buong buhay nakipaglaban upang ating tamasahin ang kalayaan.

                 Halina’t ibalik natin ang sigla ng flag ceremony at gunitahin lahat ng dugo’t pawis na inalay nila sa ating Inang bayan. Simpleng pagbibigay pugay sa ating watawat ngunit malaking tulong upang panatilihin ang ating kalayaan!

Paggamit ng Po at Opo

Kilala ang Pilipino sa ating pagiging magalang at pagka maasikaso. Mula pa sa ating mga ninuno at magulang ang katangiang ito na siyang itinuro at namana natin. Tunay ngang kaaya-aya ang ugaling ito dahil pinapakita nito na tayo ay tunay na Pilipino.

Ang mga Pilipino ay gumagamit ng wikang “Po” at “Opo” na sumisimbolo ng ating pag galang sa mga nakakatanda sa atin. Ang salitang “Kuya” at “Ate” rin ay pagpapakita ng paggalang sa mga nakakatandang kapatid, at ang pagamit ng “Manong” at “Manang” ay pagpapakita ng paggalang sa matandang di kaano-ano.

Wari bang sa pamamagitan ng paggamit ng salitang po at opo nakikita kung paano tayo pinalaki at tinuruan ng magandang asal ng ating mga magulang at ang bawat magulang ay nahuhusgahan sa pamamgitan ng kanilang anak. Tunay ngang repleksyon ng magulang ang kanilang anak dahil sinu ba naman ang magtuturo sa mga bata kundi ang kanilang magulang at ang pagpapakita ng hindi kagandahang asal ng bata ay pagpapakita rin na hindi napalaki ng ayos ito ng kaniyang mga magulang.

Sa panahon ngayon, marami ng bata ang tumalikod sa paguugaling pilipino na magalang, bihira ng mamutawi sa labi ng mga kabataan ang salitang po at opo at kadalasan ng maririnig ang pagsagot sa magulang at nakakatanda. Kung noong panahon ng ating mga magulang na ang kanilang magulang ang nasusunod, bakit sa panahon ngayon anak na ang nasusunod?

Tunay ngang mapagmahal ang ating mga magulang ngunit huwag naman po sana nating gawing dahilan ito para pahirapan ang ating mga magulang. Anuba’t sa simpleng pagbiibigay galang at respeto ay maipakita natin ang ating pagmamahal sa kanila at pasasalamat sa kanilang pag-aaruga..

Halina’t ibalik natin ang nakasanayan at ipakitang muli sa mundo ang tunay na ugaling Pilipino. Magkapit bisig tayo at maging simula para maisakatuparan natin ang mithiin nating mapabuti ang ating anak, at maging huwarang ehemplo tayo sa kanila.

Dapat nga bang alisin ang Filipino sa kurikulum ng kolehiyo?

Sang ayon ba kayo na alisin ang asignaturang Filipino sa kolehiyo? Nararapat bang ilipat nalang ito sa K-12 na senior hayskul students?

Ayon kay Atty. Julito Vitriolo na hindi umano tuluyang aalisin ang asignaturang Filipino sa edukasyon dahil inililipat lamang ito sa senior high school. Inihayag rin ng opisyal na maaaring lumipat ang ilang guro sa senior high school upang maipagpatuloy ang pagtuturo.

Ang kolehiyo ay pag-aaral sa isang propesyon upang magpakadalubhasa samantalang ang senior hayskul ay pag aaral sa lahat ng larangan ng trabaho upang ihanda ang indibidwal sa anumang trabaho na kanilang pwedeng mapagtagumpayan.

Sang-ayon ako na dapat alisin sa kolehiyo ang asignaturang Filipino sapagkat bawat yunit sa kolehiyo ay mahalaga at ang oras na dapat nilang ipasok sa Filipino ay maaari na nilang maging pahinga o ilaan sa ibang asignaturang nangangailangan ng mas mataas na atensyon. Mula elementarya hanggang hayskul ay sapat na upang turuan ang bawat Filipino ng sariling wika. Maging mga magulang, kalaro, at kamag-anak ay maaaring maging ehemplo upang turuan ang kahit sinuman sa larangang Filipino.

Ang pag-aalis ng asignaturang Filipino ay hindi pagpapakita ng pagtataksil sa bayan kundi pagbibigay daan upang dumami ang dalubhasa sa Pilipinas sa iba’t ibang larangan at makapag ambag sa ikagaganda at pag unsad ng Pilipinas.

Mathematics: Simple not complicated

Many people today think that mathematics causes everyone’s life miserable rather than it eases their everyday living. Everything created in this world have numbers and everything in this world can be prove with numbers. For example, in a bank, you no longer need to fall in line and get tired standing waiting for 4 hours, with the aid of teller machine counter, all you need to do is get your number and wait for your call, do whatever you want, stand, sit, eat, leave, etc,. Does this situation make your life miserable? No, because mathematics exists to make things simple not complicated.

We do not appreciate the existence of mathematics helpful because of its existing theories and formulas, right? But did you know that complicated theories and formulas are the simplest form of a solution to a given problem rather doing the most complicated ones. If you think that mathematics is complicated and more troublesome, it isn’t mathematics. Mathematics exist as a cure to a global widespread disease through medicine, aid to the engineers to build a strong and stable building and houses that can last through a super typhoon, help the teachers and professors to measure the effectiveness of every students they teach, helps the doctors diagnose their patients disease, helps our soldier to hit their target through measuring the right angle of fire and any other profession that it aids.

If mathematics is simple, why students like us commonly failed in this subject and why is it difficult for us to understand every basic concept of it. Is it only simple for those gifted person who understand math too well? How about the persons who study hard but still failed?

Mathematics teaches us not to remember but to understand, formula in mathematics is not created to remember but to understand where it came from? How it is derive? And what every variable represents? Understand mathematics by its root is the key to find mathematics simple.

In general, we should not think that mathematics causes problem but it solved the problem, almost everything in this world can be solved through math and almost everything we do is with the aid of it. For those who find it difficult, maybe he/she didn’t realize how complicated life is and without math, it will be more complicated.

Pointers to a simplify mathematics

Mathematics is simple but can turn our life miserable in a second. During session, we cannot skip class or even daydream because it feels like you’ve travel in the future in just a second that you are not being attentive.

Here are some tips and guidelines that will help you slow down time to understand mathematics well.

  1. Be ready. A cup of coffee or a bottle of energy drink will do, a substance called nicotine makes our brain alert and attentive, it will also help you not to feel sleepy during session.
  2. Avoid destruction. Better turn off your phone or put it on an emergency status so that no one will bother you and no one will catch your attention. A minute you divert your attention to other things, it will be difficult to retrieve your focus.
  3. Stay focus. No matter what destruction is, never loss your focus. It is the vital part of success.
  4. Learn not hear. Hearing doesn’t mean your learning, you should understand or digest every bit of information delivered or discussed.
  5. Jot down notes. Notes help you remember a detailed information that you might miss comprehending
  6. Practice. Try solving exercises and practice problem. It helps you get expose to the subject. And,
  7. Excel. Lastly, make sure you excel, learning means your acquiring knowledge so it means that your grades suppose to elevate or rise.

A successful life has a shadow of striving hard. If you want to to achieve the top, start from the bottom and strive hard. Success is the sweetest fruit of hard work.